HINDI pa ipinatutupad sa Parañaque ang pagbabakuna ng Sinovac sa mga senior citizen.
Sa advisory ang lokal na pamahalaan ng Lungsod, hinihintay pa ang opisyal na guidelines na manggagaling sa Department of Health (DOH) bago maturukan ng bakuna ang mga senior citizen ng Sinovac.
Ani Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, bagaman nagbigay na ng hudyat ang DOH at Food and Drug Administration (FDA) na maaari nang gamitin ang Sinovac vaccines sa senior citizens ay hindi pa rin nila ipinapatupad ito hanggat wala pang guidelines na natanggap para sa pagbibigay ng bakuna sa mga matatanda.
Aniya,hinihintay pa rin ang opisyal na evaluation para sa DOH guidelines bago magturok ng anti-COVID vaccines sa senior citizens sa lungsod.
Gayunpaman,hinikayat ng alkalde ang mga senior citizen na ipagpatuloy ang kanilang pagpaparehistro sa pamamagitan ng online at kapag nakapagparehistro na,kinakailangan din nilang makipag-ugnayan sa health centers na nakakasakop sa kanilang lugar gayundin sa mga opisyales ng barangay para sa inisyal na screening at counselling na unang hakbang bago pa man mabigyan ang mga ito ng iskedyul sa pagbabakuna.
Idinagdag pa, sa pagkakataong nailabas na ang opisyal na DOH guidelines at nailatag na rin ng vaccination team ang kanilang plano sa implementasyon ay mas mapapabilis at magiging ligtas ang pagpoproseso ng pagbabakuna sa mga senior citizens sa lungsod. MARIVIC FERNANDEZ
468830 147323Thanks for providing such a great article, it was outstanding and very informative. Its my first time that I pay a visit to here. I located a great deal of informative stuff inside your write-up. Keep it up. Thank you. 909849