(Sentro ng pakikipagpulong ni PBBM sa Japan at UK) PAGKAIN, SEGURIDAD, KALAKALAN

NEW YORK, USA- SA sidelines ng 77th United Nations General Assembly dito ay nagkaroon ng tiyansang makaharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lider ng United Kingdom at Japan.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay kapwa tiniyak ng dalawang lider ang pagpapalakas ng kooperasyon sa mga pangunahing programa partikular sa larangan ng seguridad at defense priorites.

Tinalakay nina Pangulong Marcos at Prime Minister Kishida ang tungkol sa maritime security, maritime domain awareness, at maritime law emforcement capacities. “

“During their meeting, the two leaders reaffirmed their commitment to reinforce ties and strengthen cooperation in response to the challenges and opportunities in the regional security and economic landscape” sabi sa press statement ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

“Kapwa nagpahayag ng kanilang kumpiyansa ang dalawang lider na ang bileateral cooperation sa mga susunod na mga taon ay magbibigay daan upang maisakatuparan ang nagkakaisang layunin na matamo ang inaasam na regional peace and stability gayundin ang mas mabuting pamumuhay para sa kanilang mga mamamayan,” dagdag pa ni Angeles.

Ibinahagi naman ni Pangulong Marcos ang mga prayoridad ng kanyang administrasyon partikular sa agriculture at food security, energy security, infrastructure development at cybersecurity.

Sentro ng pakikipag-usap ni Pangulong Marcos kay dsting British Prime Minister Tony Blair ang pagbalangkas ng mga konkretong pamamaraan upang matugunan ang mga priority issues sa global economy tulad ng food security, climate action at kalakalan ng dalawang bansa.

Ibinida ng Pangulong Marcos kay Blair na siya ring executive chairman ng Tony Blair Institure for Global Change, ang matagumpay na peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) .

Nakipagkita rin si Pangulong Marcos sa mga senior executives ng Cargill, isang American global food corporation.

“We discussed how to attain food security and self- sufficiency and explored ways to boost agricultural productivity in the Philippines,” sabi pa ng Pangulo. EVELYN QUIROZ