“Tuldukan ang kagutuman” yan ang target na panindigan ng Department of Agrikultura (DA) sa paglahok ng Pilipinas sa ika-43 na pagkakataon sa 149 na bansa sa buong mundo na kasalukuyang nagdiriwang ng “World Food Day” ngayong linggo.
Katuwang ng DA officials ang mga kinatawan ng Food and Agriculture Organization ng United Nations (UN FAO) sa formal kick off ng taunang selebrasyon ng World Food Day na isinagawa noong Oktubre 14,2024 sa tanggapan ng Kagawaran sa Lungsod ng Quezon.
Ang pagbubukas ng programa ay pinangunahan ng World Food Day (WFD) Chairperson Allan Q.Umali, at UN FAO Representative Lionel Valentin Dabbadie at iba pang opisyal ng kagawaran.
“This is the forty-third successive year in which the Filipino people have joined 149 other nations around the world in the observance of World Food Day,” ang sabi ni DA Undersecretary for Operations Roger V. Navarro.
“As in previous years, we celebrate this day by recommitting ourselves to the struggle to end hunger here in our own country and in all other places around the world where hunger exists,” dagdag pa niya.
Sa tema ng selebrasyon ngayong taon, “Right to Foods for a Better Life and a Better Future. Leave No One Behind,” pinaliwanag ni Navarro na kinikilala ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagtitiyak ng suplay ng food—bilang “ basic essential integral in human life”.” It reminds us that access to adequate and nutritious food is not a privilege but a fundamental human right,” sabi ni Navarro.
Binigyan ng pagpapahalaga sa naturang kaganapan ang mga tinaguriang “food heroes “ na nagbabanat ng buto upang tiyaking may masustansya, ligtas at abot kayang pagkain sa bawat mesa ng pamilyang Pilipino.
“Our fight against hunger is one of the enduring global human rights causes of our time. It is a battle fought on a worldwide front—and we are fortunate to have allies in organizations like the FAO fighting the same battle with us,” sabi ni Navarro.
Ang naturang selebrasyon ay nagtapos ngayong Miyerkoles, Oktubre 16 sa Liwasang Aurora of the Quezon City Memorial Circle.Ma.Luisa Macabuhay-Garcia