(Senyales ng pagbangon mula sa COVID-19 pandemic) MANUFACTURING SECTOR TULOY SA PAGLAGO

NAITALA ng Philippine manufacturing sector ang pinakamalaking pag­ taas sa loob ng apat na taon noong Abril, senyales ng pagbangon mula sa COVID-19 pandemic, ayon sa pinakahuling survey ng S&P Global.

Ang S&P Global Philippines Manufacturing PMI ay lumago sa 54.3 noong nakaraang buwan mula 53.2 noong Marso. Ito ang ikatlong sunod na buwan ng expansion, at best performance magmula noong November 2017.

“Looser pandemic restrictions led to a stronger improvement in operating conditions across the manufacturing sector in the Philippines at the start of the second quarter,” pahayag ni S&P global economist Maryam Baluch.

Ang output at new orders ay lumago sa ikatlong sunod na buwan sa likod ng pagluluwag sa pandemic restrictions na nagtulak sa  demand at production schedules sa pagtaas.

Nagtala rin ng pagtaas ang buying activity, na siyang pinakamabilis sa loob ng tatlong taon.

Tumaas din ang imbentaryo ng mga kompanya ng raw materials at semi-furnished items, kung saan ang accumulation sa stocks ay nagtala ng pinakamabilis na paglago magmula noong January 2016.

“Although output growth picked up in April, global headwinds, notably from the Russia-Ukraine war and lockdowns in China, led to further pressure on supply chains,” ani Baluch.

“Furthermore, the rate of input cost inflation eased only slightly from the record-high seen in March, leading to another sharp increase in selling prices,” dagdag pa niya.

Tumaas din ang business confidence sa four-month high, kung saan ang mas maluwag na COVID-19 restrictions ay nagpapakita ng posibleng paglaki sa  demand conditions at mas mataas na output sa mga darating na buwan.

“While strengthening client demand has been able to support the recovery so far, it will be important to see how growth momentum is sustained amid ongoing supply chain disruption and sharply rising costs,” ani Baluch.