SEPTEMBER INFLATION BABAGAL PA

INAASAHAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na babagal pa ang inflation sa Setyembre.

Sa pagtaya ng BSP, ang inflation noong nakaraang buwan ay maitatala sa 2 percent hanggang 2.8 percent.

“Negative base effects along with lower prices of food commodities, including rice, meat, and vegetables, as well as lower domestic oil prices, and the appreciation of the peso are the primary sources of downward price pressures for the month,” pahayag ng central bank sa isang statement Lunes ng gabi.

Ayon sa BSP, inaasang mao-offset nito ang mas mataas na presyo ng isda at prutas, at electricity rates.

“Going forward, the Monetary Board will continue to take a measured approach in ensuring price stability conducive to balanced and sustainable growth of the economy and employment,” anang BSP.

Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang September 2024 headline inflation data sa susunod na linggo.

Ang headline inflation ay bumagal sa 3.3 percent noong Agosto mula 4.4 percent noong Hulyo. LIZA SORIANO