SEPTEMBER INFLATION BUMILIS SA 6.9%

BSP-INFLATION

BUMILIS pa ang inflation noong September sa 6.9% — ang pinakamataas na antas sa loob ng apat na taon — sa likod ng pagtaas sa presyo ng pagkain, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) said Wednesday.

Sinabi ni PSA chief Dennis Mapa na ang huling pagkakataon na pumalo ang inflation sa parehong antas ay noong September at October 2018 sa gitna ng krisis sa bigas.

Ang September inflation ay pasok din sa 6.6-7.4% range na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan.

Year-to-date, ang inflation ay nasa 5.1%, mas mataas sa 2-4% target band ng central bank para sa 2022.

Ang gulay, isda, at asukal ang pangunahing nakapag-ambag sa food inflation, na bumilis sa 7.4% noong September mula 6.3% sa naunang buwan.

Ayon sa PSA, ang housing, water, electricity, gas, at iba pang fuels basket ang second top driver na may 7.3% inflation rate.

Ang restaurants at accommodation services ay muling nakapag-ambag sa mas mabilis na pagtaas sa commodity prices noong September, sa pagtala ng 4.6%.

Ang National Capital Region ay nagtala ng 6.5% pace noong September, mas mabilis sa 5.7% sa naunang buwan.

Bumilis naman ang inflation sa areas outside NCR (AONCR) sa 7% mula 6.5% noong August.

Ang Zamboanga Peninsula at Davao Region ang nagtala ng pinakamabilis na inflation rate sa AONCR sa 9.6%.

Ang Cagayan Valley at Calabarzon naman ang may pinakamabagal na inflation sa 5.9%, sumusunod ang Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao sa 6%.

Ang lahat ng rehiyon sa labas ng NCR maliban sa Eastern Visayas ay nagtala ng mas mabilis na inflation noong ­September.