SUCCESSFUL ang first venture ni Richard Yap na Singaporean-Chinese restaurant na Wangfu at ngayon ay may ilang branch na. Ngayon ay isa pang new dining concept ang binuksan ni Richard, ang Luna J Filipino Gastropub located at Il Terrazzo Building in Quezon City. Isinunod ang pangalan ng resto sa hero at painter na si Juan Luna. Doon din sa same building nakatayo ang Wangfu ni Ser Chief.
“The restaurant is named after Juan Luna. Binaliktad namin ‘yung name para mas catchy, para mas may name recall,” sabi pa ni Yap. “We’re fond of naming our restaurants after heroes. The other owners, they had a Filipino restaurant in Singapore. It’s called Bonifacio,” dagdag pa ng Kapamilya actor-enterpreneur.
CHRISTIAN GIO TINILIAN NG FANS SA PAGHO-HOST SA ‘RETASSO ON RAMP’
NAGING matagumpay na naman ang event ng “Retasso On Ramp,” na ginanap last October 21 sa Riverbank Marikina at hiyawan ang fans sa host ng show na si Christian Gio. Talagang kinakikiligan ng kanyang mga tagahanga ang kaguwapuhan ng young actor and in all fairness, mahusay raw itong host at malakas ang karisma kaya feel siya ng crowd. Bumida naman sa rampahan ang matagal na sa showbiz na sina Shy at Sley Cabreros na daughters ng kaibigan naming talent manager na si Ronnie Cabreros.
Ilan pa sa mga modelong nasaksihan ay sina Alexis Cabrera, Neil Antonio, Arjay Olivar, Amiel Dupaya, Essel Muldong, Johnbart Febrer, Angelo Maglasang at iba pa. Naging co-host pala ni Christian sa event ang magandang si Hannah Parambita.
SARAH LAHBATI SUMUGOD SA BARANGAY, FEEL ANG HOSTING SA EAT BULAGA
MAGANDA ang feedback ng hosting ni Sarah Lahbati sa Eat Bulaga na nu’ng una medyo nangapa pa pero ngayon ay komportable na kasama ang Dabarkads hosts.
Si Sarah ang kinuhang pinch hitter ng Eat Bulaga para kina Pauleen Luna at magbi-birthday sa ibang bansa na si Pia Guanio kasama ang mag-aama nito. Bago tumulak pa-abroad ay nakatuwang ni Pia sa pagho-host sa pre-judging para sa 40 candidates sa “Miss Millennial Philipines 2018” na gaganapin ang grand finals sa New Frontier Theater.
At nitong Miyerkoles ay sumabak naman sa Barangay si Sarah kasama ang JOWAPAO (Jose, Wally, Pao-lo) at Maine Mendoza para mamigay ng regalo sa Sugod Bahay sa Barangay at seksing-seksi si Sarah na naka-shorts outfit lang na bagay naman sa actress na misis ni Richard Gutierrez.
Comments are closed.