SERANTES BINIGYAN NG P100,000 MONTHLY LIFETIME AYUDA NG CHOOKS

Leopoldo Serantes

HINDI pa huli para sa Chooks-to-Go na pagkalooban ng tulong pinansiyal bilang pagkilala sa kabayanihang nagawa bilang atleta si Olympic boxing bronze medalist Leopoldo Serantes.

Ipinagkaloob ni Chooks-to-Go Philippines owner Ronald Mascariñas ang napapanahong tulong na P100,000 kada buwan kay Serantes, nag-uwi ng bronze para sa bansa sa 1988 Summer Olympics sa Seoul.

Kasalukuyang nagpapagamot ang 59-anyos na pamabato ng Bicol sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City bunsod ng iniindang sakit na chronic obstructive pulmonary disease (COPD).

“Just like with Onyok Velasco, we cannot just forget the sports heroes that gave honor to our country in the past. We should continue to honor their legacy,” pahayag ni Mascariñas.

“In the case of Leopoldo Serantes, we decided to give him a monthly allowance of P100,000 for the rest of his life so that he can live with dignity be-fitting a living hero”.

Itinuturing na bayani at idolo ni 1996 Olympic silver medal winner Mansueto ‘Onyok’ Velasco si Serantes, ang ikaanim na Pinoy sa kabuuan na nakapag-uwi ng medalya mula sa Olympics at gold medalist sa SEA Games.

“Si Leopoldo Serantes, isa ‘yang alamat sa boxing. Noong nag-uumpisa pa lang kami, nandiyan na siya. Siya na ‘yung tinitingala na namin,” sambit ni Velasco, “Noong nag-Olympics siya, doon na nag-umpisa ‘yung pagkaidolo namin sa kanya. Naka-medal siya tapos hindi rin siya ganoon kalaking tao, maliit lang pero naka-medal at talagang malakas.

“Naisipan ko na ilapit siya sa Chooks-to-Go kasi natulungan din ako. Si Serantes, nangangailangan din ng tulong. Nangangailangan talaga siya ng tulong.”

Aniya, hinanap nila sa Facebooks ang ilang kaanak ni Serantes para maipahatid ang tulong.

Ayon sa anak ni Serantes na si Leodelia, may anim na buwan nang labas-pasok sa ospital ang ama dahi; sa sakit na COPD. Iginiit niyang, tapik sa balikat ang tulong ng Chooks dahil sa katotohanang kinakapos na sila para sustinahan ang pagpapagamot nito.

“Kailangan po niya ng suporta parang kailangan pa niya lumapit para tulungan siya ng iba,” pahayag ni Leodelia. “Kaya ako, naawa po ako sa papa ko dahil kapag nagkukuwento siya sa akin tungkol sa mga nabigay niyang karangalan noon pero ngayon parang binalewala po siya. Parang inilagay na lang siya sa isang tabi na hindi na siya kilala ng karamihan.”

“Sobrang laking tulong po nito para sa tatay ko. Hindi na siya mamomoblema sa araw-araw niya na gastusin para sa oxygen, sa gastusan niya sa gamutan na panghabambuhay,” aniya.

“Maraming salamat, Sir Ronald sa tulong ninyo po sa papa ko. Malaking tulong po ito sa kanya. Maraming salamat po.”

Nauna nang natanggap ni Velasco ang ayuda at pagkilala sa kanyang kabayanihan ng Chooks nang pagkalooban siya ng sariling prangkisa ng Chooks-to-Go store at P100,000.

“Sir Ronald, taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo. Natulungan ninyo po ang isang kapwa boksingero ko na nag-medal din sa Olympics. Noong inilapit ko sa inyo,  hindi na kayo nagdalawang-isip. Talagang approved kagad,” pahayag ni Velasco.

Para sa mga nagnanais na magbigay ng tulong kay Serantes, maaaring magdeposito sa kanyang Landbank savings account  (2376111326). EDWIN ROLLON

70 thoughts on “SERANTES BINIGYAN NG P100,000 MONTHLY LIFETIME AYUDA NG CHOOKS”

  1. 585227 645117I saw your post awhile back and saved it to my computer. Only lately have I got a chance to checking it and need to tell you nice work. 170411

Comments are closed.