SERBISYO AT AYUDA AY PANGAKONG TINUTUPAD LANG NG PAMAHALAAN—ROMUALDEZ

HINDI  titigil ang pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa mga mahihirap at pagdadala ng serbisyo ng gobyerno sa mga probinsiya.

Ayon kay Speaker Martin Romualdez, “tinutupad lang natin ang naipangako ng Pang. Marcos noong tumatakbo pa lang siya sa pagka-pangulo na tulungan ang mga mahihirap para makabangon.

“Naipangako rin ni PBBM na dadalhin sa tao ang serbisyo ng gobyerno. Kaya heto may Serbisyo Fair tayo halos linggo-linggo sa iba’t ibang lalawigan,” ani Speaker Romualdez.

“Magpapatuloy ang ayuda at serbisyo ng gobyerno habang narito tayo sa gobyerno dahil yan ang dapat nating gawin bilang government official and representative of the people,” ani Romualdez.

Umaabot sa 80,000 beneficiaries ang nabiyayaan ng cash at rice assistance, scholarships, medical assistance at maging libreng passports at iba pa.

Nabatid na higit P400 milyon ang ginasta ng gobyerno para sa mga taga-Benguet noong Linggo.
Abot-abot naman ang pasasalamat ni Benguet Lone District Cong. Eric Yap sa ayuda at serbisyo na pinadala ni Pang. Marcos sa lalawigan.

“Wag mag-alala ang ibang probinsiya, dahil lahat ng provinces sa bansa ay hahatiran natin ng tulong at serbisyo ng gobyerno,” pahabol ni Speaker Romualdez.