SERBISYO NG EPD PAG-IIBAYUHIN

PINULONG ni National Capital Region Police Office Director PMGen. Melencio Nartatez Jr. ang mga police district, hinggil sa mga establisimyentong pinaiikutan sa mga pulis.

Sa command visit ni General Nartatez na idinaos sa Marikina Hotel and Convention Center, humarap sina EPD Director BGen. Wilson Asueta, kasama ang mga Chief of Police ng Marikina, San Juan, Pasig at Mandaluyong.

Pinangunahan ni Asueta ang presentasyon ng mga “accomplishment” ng bawat lungsod na saklaw ng EPD at ipinakita ang crime situation sa lungsod.

Ang managing police operations ay ginagamit sa pagtukoy ng mga hakbang na gagawin ng mga pulis sa pagtugon sa krimen at iba pang mga hamon.

Sa naturang command visit ay inatasan ni Gen. Nartatez ang puwersa ng EPD na paigtingin ang foot patrol o mag-ikot sa mga establisimyento gaya ng mga bar at mga sabungan at kapag may makitang pulis na nasa loob ay huhulihin, gayundin ang mga indibiduwal na posibleng may mga bitbit na panaksak at ang pinagbabawal na droga.

Pinaalalahan ng heneral ang mga miyembro ng EPD na dapat ay may saysay at katuturan ang kanilang mga panghuhuli.

Umaasa ang NCRPO Chief, na sa pamamagitan ng pagpupulong ay mas gaganda ang public safety sa distritong sakop ng EPD at mas mapaganda rin ang kanilang public service.
Elma Morales