KASABAY ng pagtiyak sa atas ni Philippine National Police (PNP) chief, General Rommel Francisco Marbil na dapat mabilis ang pagresponde at sa loob ng tatlong minuto, libre rin ang pagtawag at serbisyo sa Revitalized Emergency 911 na una ang Department of Interior and Local Government (DILG).
Ang Next Generation 911 Advanced Technology na inspired sa 911 ng Estados Unidos ay maaaring rumesponde sa emergency para sa security o police matter, sunog at health emergencies.
Gayunman, nilinaw ni PNP Public Information Office Chief, Colonel Jean Fajardo, na libre ang serbisyo ng PNP kapag tinawagan sa pamamagitan ng revitalized emergency 911 hotline.
“Libre po ito pati ‘yung pagreresponde ng inyong PNP and other government agencies libre po seribisyo, tama po kayo sa US may bayad, ito po ay libre gusto po namin na makapagsilbi ng mabilis sa ating kababayan,” ayon kay Fajardo.
Paglilinaw rin ni Fajardo na hindi kailangan na may load ang cellphone para makatawag sa 911.
Hindi po kailangang na may load para makatawag either thru landline o celphone po for as long as may free mobile data you can call immediately call 911 so pag tumawag po kayo sasagot interactive voice response, at kung concern ay police matters dial 1 at immediate ay iko konekt kayo sa pnp command center,” dagdag ni Fajardo.
Ang revitalized emergency 911 ay next generation and advanced technology mula sa dating Patrol 117 at kaibahan nito ay mayroon ang designated na numero kapag sa police matters nagpaparesponde.
Samantala, dahil libre ang tawag, inaasahan naman ang pagdagsa ng prankster kaya naman nagbabala si DILG Secretary Benhur Abalos na iwasan ang panloloko dahil made-detect ang kinaroonan nito.
Una nang sinabi ni Fajardo na kapag tumawag sa 911 at mag-dial sa 1 para sa police matter, bukod sa may call taker at naka-monitor din ang dispatcher kaya malalaman ang lokasyon ng mga ito at agad pupuntahan.
EUNICE CELARIO