HIGIT na pinaigting ng Globe ang serbisyong digital nito para sa mga kostumer upang bigyan sila ng katiyakan na hindi naka-kompromiso ang kanilang kaligtasan, partikular na sa mga lugar na nasa ilalim ng iba’t ibang uri ng community quarantine sa pamamagitan ng mas mainam at praktikal na paraan na kanilang magagamit anumang oras. Halos lahat kasi ng mga pamilyang Filipino ay umaasa ngayon sa koneksiyon ng internet para sa kanilang kabuhayan, gayundin sa edukasyon ng kanilang mga anak bunsod ng tinatawag na bagong normal sa panahon ng pandemya.
“Dahil sa pandemya, naapektuhan ang aming kakayahan na suportahan ang aming mga kostumer sa tradisyonal na pamamaraan, kaya nag-isip kami ng mga akma at napapanahon na mga hakbang para mas mahusay kaming makatugon 24/7. Sa mga hakbang na ito ay makakatiyak din tayo na parehong ligtas, hindi lamang ang mga kostumer, kundi maging ang aming mga frontliner,” pahayag ni Rebecca Eclipse, Globe Chief Customer Experience Officer.
“Kinailangan naming bilisan ang proseso upang makapaghatid ng mas mahusay at kaaya-ayang karanasan sa serbisyo sa pamamagitan ng aming mga app at online channles. Ngayong panahon na matindi ang mga pagnanais na maiwasan lalo pang kumalat ang COVID-19, tinitiyak namin na protektado at ligtas ang aming mga kostumer at mapagsisilbihan pa sila ng lagpas sa nakagawiang office hours,” dagdag pa ni Eclipse.
PAGPAPALAKAS SA MGA KOSTUMER
Bago pa man dumating ang pandemya, inilunsad na ng Globe ang mga self-service platform nito tulad ng GlobeOne app para sa mobile at Globe At Home App para sa broadband upang magawa at masagot na agad ng mga kostumer ang ‘account inquiries’ at iba pang mga simpleng transaksiyon nang hindi kinakailangang tumawag sa hotline o humingi ng tulong.
Maaaring gamitin ng mga kostumer ng Globe Postpaid at Prepaid mobile ang GlobeOne app upang matugunan ang kanilang mga madalas na katanungan.
Magagamit din ang mga app upang subaybayan ng mga kostumer ang paggamit nila ng data ng real-time, mag-subscribe sa pinakabagong mga promo at program, magbayad at itakda ang mga bayarin, bumili ng regular na load at muling i-reload ang retailer wallet, suriin at magamit ang mga roaming promo, at humingi ng tulong sa mga alalahanin na may kaugnayan sa serbisyo nang hindi na sila kailangan tumawag o umalis ng bahay.
Samantalang ang mga kostumer ng broadband postpaid at prepaid naman ay maaari nang masagot agad sa kanilang mga katanungan sa pamamagitan ng Globe At Home app na kung saan may makukuha silang gabay at palatuntunan kung paano gagawin ang solusyon sakaling may problema..
Maaari rin nilang itaas o i-upgrade ang kanilang plano, humiling para sa paglipat ng linya, bumili ng home boost o mga promo, ayusin ang kanilang mga bayarin at iba pang mga bagay sa paggamit ng app. Bukod pa rito, maaari ring gamitin ng mga kostumer ang FB messenger upang iparating sa Globe ang kanilang mga tanong.
Ang mga app na ito ay maaaring ma-download sa pamamagitan ng Google Play para sa Android at App Store para sa iOS.
PANGANGALAGA SA KAPASIDAD AT DAMI NG TRANSAKSIYON
Dahil limitado ang transportasyon at mahigpit ang ipinatutupad na pagsunod sa mga panuntunan pangkalusugan ngayong panahon ng COVID-19, mas kailangang bigyan ng suporta ang mga kostumer para sa kanilang mga katanungan at pangangailangan nang hindi sila malalantad o mahahawaan ng nakamamatay na virus.
Dahil dito, naging limitado ang mga ahente na sasagot sa mga kostumer na tatawag sa hotline. Kinakailangan tuloy ng mga kostumer na maghintay ng mas mahabong panahon. Pero sa pamamagitan ng mga app, mas agad makakatugon sa mga katanungan ng mga kostumer ang kompanya. Bukod sa mabilis at agaran, mas maraming mga kostumer ang matutulungan at masusuportahan kung gagamit sila ng mga digital channel ng Globe.
“Ang bawat sandali na may kostumer ay mahalaga sa amin. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng paraan na maresolba agad ang kanilang mga pangangailangan, nabibigyan kami ng pagkakataon na mas matugunan namin ang mga kostumer, gaya ng mga senior citizen na nangangailangan ng mas kumplikado o mahabang oras na tulong at atensiyon,’ paliwanag pa ni Eclipse.
“Sa new normal, pinalalakas at pinalalawak ng aming mga digital channel ang kakayahan ng aming mga frontliner sa pagtugon nila sa mga pangunahing pangangailangan ng aming mga kostumer. Ang aming mga ahente sa BPO ay maaaring mag-focus sa pagtupad at pagsasaayos ng mas kumplikadong mga transaksiyon at magtrabaho sa aming mga service recovery effort at proactive na pangangalaga. Kami ay nananatiling mas nakatuon at nakaantabay sa paglutas ng kanilang mga problema sa abot ng aming makakaya upang mabigyan sila ng maayos at mas maginhawang digital at mobile na serbisyo,” pagtatapos ni Eclipse.
Comments are closed.