SA patuloy na pagsisilbi sa kanyang mga nasasakupan, muling napatunayan ni Congresswoman Daphne Lagon ng Ika-6 na Distrito ng Central Visayas ang kanyang dedikasyon sa publiko.
Sa pinakabagong “Boses ng Bayan” survey ng RPMD Foundation Inc., si Lagon ay nakakuha ng napakataas na rating na 90.7%, isang malinaw na tanda ng kanyang tunay na malasakit at pagtutok sa kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Isa si Congresswoman Lagon sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng mga programa na naglalayong itaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Central Visayas.
Kasama si Ako Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon, ang kanilang mga inisyatibo ay nagbibigay ng direktang tulong sa mga komunidad, kagaya ng pamamahagi ng bigas sa mga mag-aaral at indibidwal na may kapansanan sa Bantayan Island, Cebu.
Ang programang ito ay bahagi ng kanilang layunin na labanan ang kagutuman at itaguyod ang edukasyon sa rehiyon.
Hindi natatapos ang serbisyo ni Lagon sa simpleng pamamahagi ng bigas at kagamitan.
Katuwang si Governor Gwen Garcia at iba pang mga opisyal, aktibo silang nakikibahagi sa mga aktibidad tulad ng Sugbo School Feeding Program, pamimigay ng mga gamit pang-eskwela, at mga health kit para sa PWDs.
Ang mga hakbang na ito ay patunay ng kanilang patuloy na pagsuporta sa mga proyekto na may direktang benepisyo sa mga mamamayan, lalo na sa sektor ng edukasyon at kalusugan.
Ang serbisyong ipinapakita ni Lagon at ng Ako Bisaya Partylist ay patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang sa mga salita, kundi sa konkretong aksyon at resulta.
Ang kanilang malasakit ay makikita sa bawat bigas na ipinamamahagi, sa bawat gamit pang-eskwela na naibibigay, at sa bawat programa na inilulunsad para sa kapakanan ng mga nasa laylayan ng lipunan.
Ang mataas na tiwalang ibinibigay ng mga mamamayan kina Congresswoman Lagon at Cong. Sonny ay bunga ng kanilang walang sawang pagsisikap na gawing mas maayos, mas masigla, at mas makabuluhan ang pamumuhay sa kanilang nasasakupan.
Ang liderato ng lady solon, na may malinaw na direksyon at layunin, ay nagsisiguro na ang bawat bisayang nasa kanyang pangangalaga ay may pagkakataong umunlad at magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.
Sa lahat ng kanyang pagsisikap, nararapat lamang na kilalanin at pasalamatan si Congresswoman Daphne Lagon.
Sa kabilang banda, patuloy siyang magsisilbing inspirasyon sa kanyang mga nasasakupan at magbibigay-diin sa kahalagahan ng tunay na serbisyo publiko.
Iyan ang “Serbisyong Lagon, Aksyon Dayon!”