SERBISYONG MABILIS!

edwin eusebio

Isang bagay na dapat na matutunan,

Ang magpasalamat sa nakakamtan.

Gayundin ang kilalanin ang kagalingan,

maging tao man at mga kagawaran.

 

Sa isang linggong nagdaan…

abala ako sa pagkuha ng mga Dokumentong kailangan…

Pasaporte at Driver’s Licence ang Pinagtu­unan…

Dumaan sa Normal na Proseso…iniwasan ang Palakasan.

 

Inuna ang Driver’s Licence na matagal kong napabayaan,

Kaya nga naging Delikwente… balik sa pinagmulan.

Maagang Pumila sumabay sa karamihan…

Medical check up at Written exam… naipasa ko naman.

 

Sumunod ang aktuwal na pagmamaneho

kasama ang Maestro ng LTO…

Sa pagmamaniobra na paroon at parito

Pagpina at pagliko… pasado rin ako.

 

Ilang sandali pa.. Lisensiya ko ay nakuha na!

wala nang Hassle ‘di tulad noong sistema ay luma pa.

May lagayan at parinig ng mga tiwaling buwaya…

Pero ngayon… aba… LTO ay Matino na talaga!

 

Kasunod nito ay nagtungo doon sa DFA…

Nag-apply ng passport renewal on the same day.

Maagang pumila upang makaiwas sa Delay

Mabilis na nakunan ng larawan saka ako Nag-Pay.

 

Ilang araw lamang ang Pinalipas at aking hi­nintay

Dumating ang takdang araw Passport sa akin naibigay

Ganoon  kadali ngayon… hayhay buhay!

Pasasalamat sa pagbabago sa dating paraang nakakaumay.

 

Kaya nga Papuri at Pasasalamat sa mga Departamento ng pamahalaan…

Paglilingkod n’yo ngayon ay dama ng Mamamayan

Ipagpatuloy lang ang matinong paglilingkod bayan

Pagkilala at paggalang sa inyo ang isusukli ng taumbayan

 



(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)

 

Comments are closed.