Nakiisa ang Philippine Navy personnel mula the Naval Station Apolinario Jalandoon Medical Dispensary sa paghahatid ng kalidad na serbisyong medikal sa Palawan.
Kamakailan lamang ay nag-organisa ang SM group, sa pamamagitan ng kanilang social good arm na SM Foundation, ng mga medical mission, upang maghatid ng karagdagang serbisyong medikal sa Palawan.
Isinagawa ang nasabing medical missions sa Naval Station Apolinario Jalandoon (NSAJ), Brgy. Irawan, kabilang na rin ang Brooke’s Point, sa pakikipagtulungan ng BDO Network. Ang inisyatiba ay nag abot ng iba’t ibang serbisyong medikal, kasama ang konsultasyon, dental checkups, ilang mga minor operations, at libreng gamot. Sa tulong naman ng SMFi mobile clinic ay nakapag abot ang Foundation ng libreng X-Rays at ECGs.
Ayon kay Delia Pagadora, isa sa mga benepisyaryo mula sa Brgy. Irawan, nagbigay daan ang medical mission upang alagaan ng kanilang komunidad ang kanilang kalusugan nang walang pinansyal na pasanin.
“Malaking kaginhawaan po sa amin na bukod sa pagsasaayos ng aming Brgy. Irawan Birthing Facility ay nagsagawa din po ang SM City Palawan and SM Foundation ng medical mission. Bukod po sa mahal ang magkasakit, malayo rin po sa amin ang mga ospital,” sabi niya.
“Napaka halaga po sa akin ng kalusugan kaya’t gina-grab ko po talaga ang oportunidad na maka-avail ng libreng pagpapagamot. Bilang daycare worker, kailangan pong maging malakas at alerto ako dahil three to five years old ang inaalagaan ko sa trabaho. Solo parent din ako at ang anak ko. Dahil nawalan siya ng trabaho noong pandemic, kailangan magsumikap para sa pamilya, lalo na para sa aking apo,” dagdag pa niya.
Ang medical mission ay isinagawa rin sa pakikipagtulungan ng DMIRIE Foundation – ang charity organization ng DMI, Medical Supply Company, Inc.– 2GO, Negrense Marine Integrated Services Inc., Philippine Navy, volunteer groups, at mga lokal na pamahalaan sa Palawan.