SERBISYONG MEDIKAL NG DOH ISINUSULONG

CAVITE – Isinusulong ng lokal na pamahalaang bayan ng Silang sa lalawigang ito ang serbisyong medikal ng Department of Health (DOH) para mapabilis ang paghahatid sa mga residente ng nabanggit na bayan.

Napag-alamang nakipagpulong na si Mayor Kevin Anarna sa mga opisyal ng DOH kaugnay sa programang Health Facilities Enchancement para balangkasin ang paghahatid ng serbisyong medikal noong Huwebes.

“Mahalaga na lalong maisaayos ng lokal na pamahalaan ang paghahatid ng serbisyong medikal sa bayan ng Silang para matugunan ang pangangailangan ng mga residente partikular na yung mga senior na may karamdaman,” diin ni Anarna.

Kabilang sa serbisyong medikal ay ang karagdagang health facilities at ambulansiya na magagamit anumang oras kung saan siniguro naman ng alkalde na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan sa pag-unlad ng nasabing bayan. MHAR BASCO