SA LAYUNING maging makabago o ‘high-tech’ ang pagkakaloob ng serbisyong medikal ng pamahalaan, bibigyang prayoridad ng Kamara de Representantes na maaprubahan ang panukalang ‘National eHealth System’ (NeHS), kabilang na ang pagkaroon ng ‘health passport’ ng bawat Filipino.
Inihayag ng House leadership, sa pangunguna ni Speaker Alan Peter Cayetano (1st Dist. Taguig City-Pateros), na matapos ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ganap na maging batas ang ‘Malasakit Center Act’, ay nais nilang higit pang mapabilis, maging kombinyente at bukas sa lahat ng mamamayan ng bansa ang pagkakaloob ng health services ng gobyerno.
Ito’y sa pamamagitan ng lusot na sa House Committee on Health, na pinamumunuan ni 4th Dist. Quezon province Rep. Angelina Tan, na ‘unnumbered substitute bill’ na “eHealth System and Services Act of 2019”.
Nabatid sa Quezon province lady lawmaker na sa ilalim ng National eHealth System (NeHS) ang pagpapatupad ng polisiya, program at proyekto na magsusulong at magtitiyak na magiging simple at patas sa kanino man ang serbisyong pangkalusugan upang makamit din ang adhikain na matagumpay na implementasyon ng universal health care program.
Sa pamamagitan din nito ay itatatag ang eHealth Policy and Coordination Council (eHPCC) kung saan ang secretary of health ang tatayong chairperson habang ang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at president and chief executive officer ng PhilHealth ang magiging co-chairpersons.
Isa sa nilalaman ng NeHS, na nais mangyari ni Speaker Cayetan, ang pagkakaroon ng bawat Filipino ng tinatawag niyang ‘health passport’
Paliwanag niya rito, ito ay isang mobile record booklet ng isang indibidwal o pasyente na nagtataglay ng ‘medical and dental history’ nito, gamot na iniinom o nainom na at medical treatment na naisagawa rito, basic medical data information sa lahat medical at health related benefits na itinatakda ng batas, impormasyon tungkol patient’s medical rights and privileges sa ilalim ng health passport system at iba pa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.