SERBISYONG PANGKALUSUGAN TUTUTUKAN NG MAKATI

INIHAYAG ni Makati City Mayor Abby Binay na sa kanyang huling termino bilang alkalde ng lugnsod ay kanyang pagtutuunan ng pansin ang serbisyong pangkalusugan para sa kanyang mga konstituwente sa lungsod.

Unang sinabi ni Binay na ang Makati Life Medical Center (MLMC) na dating Ospital ng Makati 2 (OsMak 2) na idinesenyo para maging “pandemic-proof” ay kasalukuyang nakatutugon sa mga pangangaila­ngang medikal ng publiko.

Ang P9.77 bilyong MLMC hospital ay matatagpuan sa Malugay Street, Barangay Bel-Air na nasasakupan ng District 1 na may kapasidad na 360 pasyente at mayroon ring multiple specialty centers ay unti-unting bubuksan sa publiko kugn saan ang partial operation nito ay inaasahang magaganap sa unang yugto ng taong kasalukuyan kabilang ang 24/7 primary at urgent care facility.

Sisimulan din ang pagbibigay ng serbisyo sa in-patient ng MLMC sa unang 100 pasyente hanggang sa pagtatapos ng taon habang ang pagkukumpleto ng 360 kapasidad na kama at ang kabuuang kapasida na 192 ng klinika ay tinatarget ng lungsod na matatapos ng hanggang unang quarter ng 2024.

Napag-alaman din na ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng P2.77 bilyong halaga ng assets habang ang LifeNurture ay nakapagbigay naman ng kabuuang P7 bilyon na equity at debt funding para sa naturang proyekto.

Ang Makati Life ay mayroong pasilidad na state-of-the-art kabilang na dfito ang Cancer Center na may linear accelerator para sa radiation treatment; Cardiac Center na mayroong cardiac catheterization lab para sa angiography, open heart surgery, at organ transplantation surgeries; pati na rin ng Physical Rehabilitation Medical Center na may gagamiting robotics sa panggagamot ng joint at soft tissue ailments.

Bukod pa sa MLMC ay sinabi din ni Binay na pagtutuunan din ng pansin ng kanyang administrasyon ang pag-upgrade ng mga barangay health centers sa lugnsod.

Idinagdag pa ni Binay na nauna nang binuksan ng lungsod ang ikaapat na lying-in clinic na bukas ng 24-oras na East Rembo lying-in clinic na matatagpuan sa East Rembo Multipurpose building upang siguruhin ang mad madaling access ng mga buntis sa mga clinics para sa pa­ngangailangan ng kanilang pagbubuntis gayundin ng kanilang pa­nganganak. MARIVIC FERNANDEZ