SERENA SA US OPEN FINALS

Serena Williams

NEW YORK –  Binomba ni Serena Williams si Anastasija Sevastova,  6-3 6-0, upang magmartsa sa finals ng US Open at makalapit sa record-equaling 24th Grand Slam title.

Makasasagupa  ni Williams sa Arthur Ashe Stadium court ang magwawagi kina Naomi Osaka ng Japan at American Madison Keys, na natalo sa finals noong nakaraang taon kay Sloane Stephens.

Kinailangan lamang ni Williams ng 66 minuto upang dispatsahin ang 19th seeded  na Latvian at umabante sa kanyang 31st Grand Slam final.

Ang panalo sa Sabado ay magbibigay rin sa  36-year-old American ng kanyang ika-7 US Open title.