NEW YORK — Nalasap ni Serena Williams ang 1-6 6-3 6-3 kabiguan sa semifinals ng U.S. Open sa kamay ni Victoria Azarenka na tumapos sa kanyang tsansa na makopo ang record-equalling 24th Grand Slam singles title sa home soil ngayong taon.
Makakasagupa ni Belarusian Azarenka si Japan’s Naomi Osaka sa kanyang third final sa Flushing Meadows sa Sabado, kung saan natalo siya sa unang dalawa kay Williams noong 2012 at 2013.
Nagpakawala si six-time U.S. Open champion Williams ng winners mula sa lahat ng sulok ng fArthur Ashe Stadium court at tinapos ang opening set sa loob lamang ng mahigit kalahating oras.
Nanalasa si Azarenka, naglalaro sa kanyang unang Grand Slam semifinal sa loob ng pitong taon, sa second set.
Napanatili ng two-time Australian Open champion ang pressure sa third habang nakihamok ang 38-year-old na si Williams na may injury sa kanyang left ankle upang sementuhan ang kanyang puwesto sa finals sa pamamagitan ng isang ace.
Comments are closed.