NALUSUTAN ni six-time champion Serena Williams ang matikas na pakikihamok ni unseeded Kaia Kanepi upang maitakas ang 6-0, 4-6, 6-3 panalo at umabante sa quarterfinals ng US Open.
Tila magaan na mananalo ang 23-time Grand Slam champion nang kunin ang first set mula kay Kanepi sa loob lamang ng 18 minuto.
Subalit bumawi ang hard-hitting Estonian, pinataob si world number one Simona Halep sa first round, sa second set, na ikina-yanig ng partisan crowd sa Arthur Ashe Stadium. “It wasn’t an easy match at all,” wika ni Williams.
Tumapos si Williams na may 18 aces at 47 total winners.
Makakasagupa ni Williams sa quarterfinals si Karolina Pliskova, ang eighth-seeded Czech na namayani kay Australian Ash-leigh Barty 6-4, 6-4.
Samantala, magaan na dinispatsa ni defending champion Sloane Stephens, ang third seed, si Elise Mertens, 6-3, 6-3, upang maisaayos ang quarterfinal duel kay Latvian Anastasija Sevastova.
Pinadapa ni Sevastova si seventh-seeded Elina Svitolina, 6-3, 1-6, 6-0, upang maging dalawa na lamang sa top 10 women’s seeds ang matira.
Comments are closed.