Serendipitous love story sa Gulod ng Batulao

Photos by Mary Jane Pallones
Story by Kaye Nebre Martin


ISA  sa mga sikat na pinupuntahan mga turista ay ang Mount Batulao. Isa itong hindi aktibong stratovolcano sa Nasugbu, Batangas sa Calabarzon, malapit sa border ng Cavite, tanaw ang labi ng Taal Caldera na nagsimulang mabuo noon pang panahon ng Pliocene may 3.4 milyong taon nna ang nakalilipas. Ang stratovolcano ay masasabing composite cone volcanoes, na naglabas ng nagbabagangg lava na naging steep-sided, triangular-shaped structure.

Delikado ang kanyang dalisdis na may taas na aabot sa 7,000 feet, at korteng symmetrical cone mula sa lava at abo.

Ang pangalang Batulao ay mula sa Tagalog phrase na bato sa ilaw o ilaw sa dalawang bato o nagliliwanag na bato, kakaibang pangyayaring nagaganap sa nasabing bundok kung Disyembre kapag ang ang silay ng araw ay nasa pagitan ng tuktok ng dalawang bundok. May taas ang Mount Batulao na 693 metro (2,274 ft).

Sa bundok na ito pinagtibay ang pagmamahalan nina Jane at Ryan na sinaksihan pa ng kapatid ni Jane na si Bernie.

Ang pagkikita’y hindi sinasadya. Sabi nga nila, love comes from the most unexpected places. Si Jane ang klase ng babaing hindi gaanong friendly at palagi lamang sa bahay, ngunit sa isang pagkakataong nagtungo siya sa mall ay nakilala niya si Ryan.

Marami silang pagkakapareho, at isa na dito ang hilig sa camping at mountain climbing.

Sa totoo lang, kahit mahilig si Jane sa adventure ay hindi niya ito madalas ginagawa. Noong kanyang kabataan ay mayroon siyang rheumatic heart disease na kinailangang ipaopera kaya may takot siya sa pagkapagod. Sa ngayon ay magaling na siya, at sa wakas ay nagagawa na niya ang kanyang nais.

At sa Gulod ng Batulao, naging mas matatag ang kanilang love story. “It was like, when we were at the top of Mt. Batulao, the whole world is supporting us to be together,” ani Jane.

Sa bundok na matatagpuan sa 185.9-square-kilometre (71.8 sq mi) Lian River Basin, isang sub-catchment ng Nasugbu-Lian-Calatagan Basin sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Tuy, Alfonso at Magallanes, matatanaw ang kagandahan ng kalikasan. Dumadaloy sa paanan nito ang Lian-Palico River.