SERIAL KILLER NG 6 NA PINAY HUMARAP SA KORTE

killer

NICOSIA –  LUMUTANG sa korte ng ­Cyprus ang umano’y serial killer ng pitong dayuhan kabilang ang anim na Filipino babae.

Inamin ng Cypriot Army Officer na si Captain Nicos Metaxas, 35-anyos, na siya ang pumatay sa pitong foreign women at ilang kabataang babae tatlong taon na ang nakalilipas.

Una nang natagpuan ang bangkay ng tatlong Filipino kasama ang anim na taong gulang na babae sa isang abandonadong minahan.

Makaraan nito ay nadiskubre ang mga labi ng iba pang Filipina kasama ang isang teenager na umano’y ni-rape ng Cypriot army.

Noong isang linggo ay nagbitiw na rin ang justice secretary ng Cyprus dahil sa kabiguan nitong umaksiyon sa insidente at bigyan ng hustisya ang mga biktima.

Sa kabuuan, pitong dayuhang babae ang pinaslang ng Cypriot army kasama ang isang Romanian girl. PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.