SERMONIA, 2 PA PROMOTED

NATANGGAP ng tatlong senior officers ng Philippine National Police (PNP) ang magandang regalo ngayong Pasko.

Ito ay nang lagdaan na ni Interior Secretary Eduardo Ano ang promosyon nina Maj. General Rhodel O. Sermonia para maging Lieutenant General bilang The Chief of Directorial Staff o ikaapat na pinakamataas na opisyal sa PNP.

Habang si Brigadier Gen. Michael John Dubria ay umangat sa Major General, at si Colonel Alden Bacarra Delvo, ngayon ay nakamit na ang unang estrelya o isa nang Brigadier General.

Ang rekomendasyon ni Ano na may petsang Disyembre 28, ay tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte at nilagdaan na nangangahulugang aprubado na ito. EUNICE CELARIO