SERMONIA PASOK NA SA PNP TOP BRASS

PASOK na sa top brass o command group ng Philippine National Police (PNP) si PNP-Directorate for Operations, Maj. Gen. Rhodel Sermonia.

Ito ay nang italaga siya ni bagong PNP Chief Gen. Dionardo B. Carlos bilang kanyang kapalit sa The Chief of Directiorial Staff (TCDS) o ikaapat sa pinakamataas na opisyal sa police force.

Epektibo ang bagong puwesto ni Sermonia kahapon, Nobyembre 13.

Si Sermonia na halos dalawang buwan bilang Operations man ay mangangasiwa sa 11 Directorial Staff at sa lahat ng National Support Units at Police Regional Offices.

Habang si Brig. Gen. Valeriano De Leon, na kakaupo lang sa Civil Security Group Director, ay siyang magiging Acting Director for Operations kapalit ni Sermonia.

Mananatili naman sina Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, deputy chief for administration, at Lt. Gen. Ephraim Dickson, deputy chief for operations, sa kanilang puwesto bilang Number 2 at Number 3 sa PNP command.

Sina Vera Cruz, at Dickson ang natitirang miyembro ng Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987 habang si Carlos na PMA Maringal Class of 1988 ay kanilang junior.

Sina Sermonia at De Leon ay miyembro naman ng PMA Makatao Class of 1989.

Samantala, kinausap na rin ni Carlos ang kanyang kanyang mga opisyal sa Command Group upang ipagpatuloy ang kanilang tungkulin.

“Pinakiusapan ko sina (I requested) Sir Jojo (Vera Cruz) and Sir Bong (Dickson) and then I requested the incoming TCDS (The Chief of Directorial Staff) kung kailangan niya ng (if he needs) big brother help, sige magtanong ka sa akin (he can ask me now). I think we will have another team that can continue what was started by the previous chiefs of the PNP,” ayon kay Carlos. EUNICE CELARIO