NATAPOS na with flying colors, ang panunungkulan ni Marvelous Imaginative President Jen Panaligan sa Rotary Club of Makati Northeast para sa Year 2022-2023.
Sa ika-26 anibersaryo ng pagkakatatag ng RCMNE kasabay ng handover na ginanap sa Tiara Hotel sa Makati City ay isa isang pinasalamatan ni MIP Jen ang lahat ng opisyal at miyembro ng RCMNE.
Madamdamin nitong inalala ang pagsisimula ng kanyang termino, na mahirap man ay napagtagumpayan sa tulong ng mga opisyal, mga miyembro at mga dating pangulo ng club.
Naging aktibo si Panaligan sa mga proyekto ng RCMNE katuwang ang kabiyak niyang si CP Alan Panaligan at ang masisipag na miyembro.
“ It was such a rewarding and exciting being a President,” pahayag ni Panaligan.
Halos nakumpleto nito ang 7-areas of focus ng Rotary Club tulad ng peace and conflict prevention/ resolution, disease prevention treatment, water and sanitation, maternal and child health, basic education and literacy.
Tanging ang economic and community development ang nabinbin at nakatakdang ipagpatuloy ng bagong talagang RCMNE president Precious Tomagan.
Kasama sa mga proyekto ang
Peace and Conflict Prevention / Resolution.Disease Prevention and Treatment.
Water and Sanitation.
Maternal and Child Health.
Basic Education and Literacy.
Economic and Community Development.
Naging matagumpay rin ang anti bullying seminar na ginawa sa pangunguna rin nina PP Atty.Sonny Quial sa Marcela Marcelo Elementary School sa lungsod ng Pasay.
Tulad ng mga nagdaang presidente, nasalamin kay MIP Jen ang motto ng Rotary Club na service above self o paglilingkod nang walang pag-iimbot na siyang itinutuloy ngayon ni TGP Precious.