BATANGAS- HINIHILING ng Bureau of immigration (BI) sa mga residente ng lalawigan na i-report sa mga kinauukulang o sa kanilang opisina ang mga napapansin ilegal na dayuhan sa kanilng lugar upang mahuli sa lalong madaling panahon.
Ang panawagang ito, upang maprotektahan ang kapakanan ng mga kababaihan partikular na sa mga foreign sex offender na nagkukubli sa mga liblib na lugar sa lalawigan.
Kung kaya’t aniya, manatiling maging vigilant ang mga residente at i-report ang ginagawa ng mga dayuhan ng sa gayon maaksiyunan kaagad ng pamahalaan sa pinakamabilis na paraan.
Matatandaan na naaresto kamakailan ng mga tauhan ng Immigration sa Taysan Batangas ang pitong Chinese na illegal na nagtratrabaho sa isang quarry nang walang kaukulang permit sa mula sa Department of labor and employment (DOLE).
At nahuli ang pito sa pamamagitan ng kanilang Sheild kids campaign sa tulong ng intelligence agency ng pamahalaan at local Philippine National Police ng Taysan, Batangas.
Samantala, nakatakdang magsagawa ang Immigration ng service caravan sa Hunyo 7 kasama ang mga kawani ng Pontefino Hotel at residente ng pastor village, Gullod Labac, Batangas City.
At ang caravan na ito ay magbibigay ng tulong para mapadali ang proseso ng BI services kasama ang visa tourist extension , exit clearance dual citizenship applications at iba pang importanteng mga transaksyon.
FROILAN MORALLOS