PASAY CITY – PINALILINAW ni Senator Bong Revilla ang eksaktong gastos o service charge para sa money transfer na inaalok ng remittance agents.
Ito ang layunin ng House Bill No. 438 na kilala bilang “Remittance Act of 2019.”
Aniya, dapat alam ng OFWs kung magkano ang service charge sa remittance center at maging sa agent upang maiwasan ang kalituhan.
Sa pamamagitan aniya ng nasabing batas ay makatutulong na sa OFW bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa ekonomiya partikular sa pag-taas ng dollar reserve ng bansa.
“Recognizing the valuable contribution of our OFWs in our economy, this measure seeks to protect the hard earned money of our OFWs. It requires the disclosure of charges and fees that would be paid for sending their money through remittance agents and companies. Likewise, it penalizes price gouging or the exorbitant charging of fees for the transactions being made,” ayon pa kay Revilla.
Sakaling maging batas, ire-require sa mga remittance company na dapat maging malinaw ang anunsiyo nila sa lahat ng finance charges at iba pang fee sa money transfer service at dapat sumunod sa terms and conditions sa kanilang ipadadala pera mula sa ibang bansa patungo sa Filipinas.
Ang lahat din ng remittance agents at kompanya ay dapat sumunod sa exact real time exchange rate sa simula ng business day na naka-post sa Reference Exchange Rate Bulletin ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ikukulong ng anim hanggang sampung taon ang lumabag sa batas at may mulata na P200,000 hanggang P1 million.
Iginit ni Revilla na layunin din ng batas na proteksiyonan ang OFW laban sa panloloko, at sa unfair and unconscionable acts ng remittance agents. VICKY CERVALES
Comments are closed.