BULACAN – ARESTADO sa follow-up operation ng awtoridad ang tricycle driver na naghahatid at sundo sa isang menor na umano’y responsable sa panghahalay sa biktima.
Sa report ni P/Lt.Col. Amado Mendoza, kinilala ang suspek na si Dante Soriano Taperla, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Tabing Ilog sa Marilao.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, itinuro mismo ng pitong taong gulang na biktima na Grade 2 student ang gumawa sa kanya ng kahalayan.
Nabatid na makailang beses umano siyang pinagsamantalahan ng tricycle driver, na personal transport service sa eskuwelahan ng bata.
Samantala, arestado rin ang live-in partners na kinasuhan ng parricide matapos mapatay sa bugbog ang sarili nitong anak sa Sitio Curvada, Brgy. Minuyan sa bayan ng Norzagaray.
Kinilala ang mga dinakip na sina Raymar Nuqui at Claudine Valdez, kapwa nasa hustong gulang residente sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng mga pulis, una nang sinaktan ng ina ang kayang apat na taong gulang na anak sa harap ng kanyang live-in partner noong Enero 26 ng gabi.
Mag-aalas-8:00 ng gabi nang isugod sa pagamutan ang walang malay na bata dahil sa pambubugbog ng kanyang ina. THONY ARCENAL
Comments are closed.