(Serye naitabla sa 1-1) BUCKS RUMESBAK SA HAWKS

BUCKS vs HAWKS

MAGAAN na dinispatsa ng Milwaukee Bucks ang Atlanta Hawks, 125-91, sa Game 2 upang maitabla ang Eastern Conference finals sa 1-1 noong Biyernes (Sabado sa Manila).

Sisikapin ng  Bucks na kunin ang bentahe sa  best-of-seven series sa paglipat sa Atlanta para sa Game 3 sa Linggo.

“We came in focused on each possession at a time in Game 2, and we were able to do it together as a team,” pahayag ni Giannis Antetokounmpo, na nakakolekta ng 25 points at 9  rebounds sa tatlong quarters bago inilabas sa fourth.

Nagdagdag si Jrue Holiday ng 22 points sa 9 of 14 shooting mula sa floor para sa third-seeded Bucks.

Tumipa si Brook Lopez ng 16 points at nag-ambag si Khris Middleton ng 15 points at 8  assists para sa Milwaukee, na bumanat ng 20-0 run sa loob ng 4:18 sa second quarter.

Na-outscore ng Bucks ang Atlanta sa 43-17 sa second upang kunin ang  77-45 lead sa halftime.

Bumuslo ang Milwaukee ng 52.1 percent mula sa floor at sinamantala ang 20 turnovers ng fifth-seeded Hawks. Naipasok din ng Bucks ang 15 sa 41 attempts mula sa 3-point range makaraang magsalpak lamang ng 8 of 36 mula sa 3-point area sa 116-113 pagkatalo sa series opener noong Miyerkoles.

“We needed everybody to be more active,” ani Milwaukee coach Mike Budenholzer. “The guys, they were great.”

Tumapos si Trae Young ng Atlanta na may team-high 15 points sa 6-of-16 shooting mula sa floor, subalit responsable rin siya sa  9 turnovers.

“That’s all on me. I have to be better at taking care of the ball and just doing a better job of at least giving us a shot and not turning it over way too much,” sabi ni Young matapos ang laro. “I have to do better and will be better next game.”

Umiskor si Danilo Gallinari ng 12 points mula sa bench, at nakakolekta sina John Collins at Cam Reddish ng tig-11 points para sa Hawks na nahulog sa 0-3 saGame 2s ngayong postseason.

Sinikap ni Atlanta interim coach Nate McMillan na magkaroon ng positive spin sa  standing ng kanyang koponan matapos ang unang dalawang laro sa serye.

“Anytime you can go .500 on the road, that’s a good thing — especially in the playoffs,” ayon kay McMillan. “We had the opportunity to get two, we got one, so we’re happy with that.

“But there’s another level we have to get to in order to win games and advance. That intensity they came out with wasn’t a surprise to us. They just totally dominated the entire game.”

Isinalpak ni Young ang nag-iisa niyang 3-pointer sa pitong attempts sa first half attempts upang tapyasin ang kalamangan ng Milwaukee sa 51-40, may 6:25 ang nalalabi sa second quarter bago tuluyang lumayo ang Bucks.

Umiskor si Holiday ng 9 points at nagdagdag si Lopez ng pito habang kumana ang Milwaukee ng 20 sunod na puntos upang kunin ang 71-40 lead, may 2:07 sa orasan.

8 thoughts on “(Serye naitabla sa 1-1) BUCKS RUMESBAK SA HAWKS”

  1. 557514 194579Aw, this was a actually good post. In thought I would like to spot in writing in this way moreover – taking time and actual effort to create a really great article but what / points I say I procrastinate alot and also no indicates apparently get something done. 27629

  2. 749939 496592My brother suggested I would possibly like this weblog. He was once entirely correct. This submit really made my day. You cant believe just how so a lot time I had spent for this details! Thank you! 572810

  3. 81789 113628The next time Someone said a weblog, I hope that it doesnt disappoint me just as considerably as this. Come on, man, I know it was my choice to read, but When i thought youd have some thing intriguing to say. All I hear is genuinely a handful of whining about something you could fix in the event you werent too busy searching for attention. 967446

  4. 702123 528642brilliantly insightful post. If only it was as simple to implement some of the solutions as it was to read and nod my head at each of your points 374707

Leave a Reply

Your email address will not be published.