LAGUNA – NAALARMA ang mga awtoridad sa lalawigang ito dahil sa insidente na pagkawala ng 10 katao kabilang ang anak ng isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na hinihinalang dinukot .
Batay sa ulat, kinilala ang apat na nawawala na sina Percival Janus Gabinete, binata, 32- anyos, anak ni Retired PNP Official PMaj. Percival Gabinete, residente ng Villa Josefina Subdivision, Bgy. Callios, Sta. Cruz; Larry Rebong, Annalyn Rebong, alias “Canty” at Princess Garon, alias (Kabog) na pawang mga residente ng Bgy. Pagalangan, Victoria.
Nabatid na nawala si Gabinete noong Agosto 24 habang lulan ng kanyang kulay itim na Yamaha motorcycle dakong alas-7:30 ng gabi sa bayan ng Sta. Cruz at magbibigay ng pabuyang P50K sa kinaroroonan nito.
Nasundan ito ng pagkawala ng tatlong biktima na sina Larry, Annalyn at Garon noong isang Linggo sa hindi mabatid na dahilan na sakay ang mga ng kotseng kulay silver Honda Civic na may plakang ZMS-240 patungo sa bayan ng Sta. Cruz para bumili umano ang mga ito ng bigas para sa kanilang on-line business.
Nananatiling blangko pa rin ang pulisya at pamilya ng mga biktima sa kanilang pagkawala.
Kaugnay din nito, may naitala rin na anim pang kalalakihan sa bayan ng Famy nitong nakalipas na ilang buwan na napag-alaman na ilan umano sa mga ito ay may mga dating kaso sa droga. DICK GARAY
Comments are closed.