SERYE NG PAGSABOG SA MINDANAO: 9 SUGATAN

MINDANAO-UMABOT sa siyam katao ang inulat na nasugatan sa serye ng mga pagsabog sa rehiyong ito kaugnay sa ginaga­nap na Natio­nal and Local Elections kahapon.

Pinakahuling naitalang pagsabog ay naganap sa probinsiya ng Cotabato dakong alas-9:35 kahapon ng umaga ilang oras matapos na magsimula ang botohan.

Ayon kay Kabacan Chief of Police Lieute­nant Colonel John Miridel Calinga, sumabog ang hindi pa matiyak na uri ng bomba malapit sa isang voting precinct sa Barangay Poblacion sa Kabacan, Cotabato.

Walang nasugatan sa huling pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga miyembro ng Electoral Board at mga botante sa bayan ng Kabacan.

Una rito, ilang oras bago mag umpisa ang botohan ay may walong pagsabog ang naitala sa dalawang bayan sa Maguindanao

Ayon kay Col. Oriel Pangcog, commander ng 601st Brigade Philippine Army, hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa nagpapatuloy na halalan sa North Cotabato.

Sinabi pa ni Pangcog, unang ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Datu Unsay at Shariff Aguak sa Maguindanao pasado alas-7 kamakalawa ng gabi na sinundan naman kahapon ng madaling araw o ilang oras bago ang halalan.

Ang siyam na sugatan ay mula sa pagsabog na naganap malapit sa Municipal Hall ng Datu Unsay sa Maguinda­nao subalit sinasabing pawang minor injuries lamang ang tinamo ng mga suspek.

May dalawang pagsabog din ang naganap sa national highway ng Shariff Aguak sa parehong lalawigan Maliban sa Datu Unsay Maguindanao,.

Ani Pangcog, M 79 grenade launcher ang ginamit ng mga armadong kalalakihan na sa ngayon ay inaalam kung anong grupo ito na nais magsagawa ng kaguluhan sa araw ng eleksyon.

Samantala, sa South Cotabato, naitala ang tensyon sa bayan ng Lake Sebu matapos na may mga armadong kalalakihan na nananakot umano at sinasabing private armies sila ng isa sa mga kandidato sa probinsya.

Sa ngayon ay hi­nigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa nagpapatuloy na halalan sa North Cotabato. VERLIN RUIZ