SERYE NG SUNOG SA DAVAO CITY IIMBESTIGAHAN

sunog

DAVAO DEL NORTE – HAHANAPAN ng ­linaw at dahilan ang magkasunod na sunog noong  Linggo ng gabi at kahapon ng madaling araw sa Lungsod ng Davao.

Unang insidente ang naitala sa isang kainan sa loob ng mall sa alas-8:00 ng gabi.

Kaagad na nagsilabasan ang mga tao sa nasabing gusali dahil sa sobrang takot matapos mabalot ang loob nito ng makapal na usok.

Kaugnay nito, doble ang pag-iingat ng mga mall sa lungsod para lamang hindi na maulit ang parehong insidente sa NCCC kung saan mahigit 30 indibidwal ang namatay, halos isang taon na ang nakararaan.    PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.