SERYE NI PIOLO PASCUAL ON AIR NA SA TV5, KAPAMILYA REPEAT ANG TAPING DAHIL KAY KIT THOMPSON

HEARTFULLY

MATAGAL nang nasa taping stages ang ser­yeng gagawin ni Piolo Pascual na comeback series ni Papa P, katambal ang Kapuso turned Kapamilya actress na si Lovi Poe, ang “Flower of Evil.”

Nag-taping daw ulit from the top dahil  nasangkot sa isang kontrobersiya ang isa sa importanteng cast na si Kit Thompson. Pero ang catch, mas maagap ang TV 5 kaysa sa masipag na Kapamilya Network dahil naunahan pa nila ang Kapamilya sa pagpapalabas ng serye sa si Papa P ang bida. On­going na kasi ang anthology series ni Papa P sa Kapatid Network na may pamagat na “Dear God” kasama sina Kris Bernal, Lara Quigaman, Sue Ramirez, Agot Isidro, Vina Morales, Riva Quenery, Ketchup Eusebio, sa direksyon ni Richard Arellano, who used to be with ABS-CBN.

CINDY MIRANDA, KERI MAGKAROON NG SEX VIDEO

Happy si Cindy Miranda sa tinatakbo ng kanyang kauna-unahang serye sa Vivamax App na “Iskandalo” kasama si AJ Raval.

Dahil sa may kina­lalaman sa sex scandal ang tema ng kanilang serye, game pa rin kaya si Cindy na kunan ng sex video ang kanyang pakikipag-lovemaking sa magiging partner o karelasyon?

Ayon sa sexy nymphet ay open na man daw ang isip niya dito lalo pa’t kung magka-relasyon naman daw ang gumagawa noon.

“Agree po ako dahil couple naman sila, dahil exclusive naman sila sa isa’t isa. Yes, why not, ’di ba? Ite-tape mo lang naman ’yong sarili mo so wala pong problema. Sometimes it’s fun to do something different, to make the relationship, you know. Sometimes, ’di ba, kapag repetitive ang ginagawa ng mga couple nagkakasawaan so maybe that’s why they’re doing that, ng ibang couples,” ang say ni Cindy. Bagamat okey lang kay Cindy na i-video habang nagla-love making sila ng karelasyon, doble ingat din ang payo niya hinggil sa sex video. “Pero sana alagaan nila ang mga cellphones nila. Kasi s’yempre, baka mawala ’yan, mapanood ng iba,” ang babala pa ni Cindy.

ZOREN LEGASPI, NANGAPA SA LOVE SCENE NILA NG BATANG LEADING LADY

At the age of 50 and almost 3 decades sa showbiz, isa pa rin sa aktibong leading man sa showbiz industry si Zoren Legaspi. Abala siya sa bago niyang serye sa Kapuso Network, ang “Apoy Sa Langit” kasama sina Maricel Laxa, Mikee Quintos at ang baguhang si Lianne Valentin at dinidirehe ni Laurice Guillen.

Sa naturang teleserye ay may mainit na eksena si Zoren kapareha ang baguhang si Lianne na halos lagpas sa kalahati ang edad niya. Paano kaya dinala ni Zoren ang naturang love scene katambal ang isang new young actress na halos kasing edad na ng kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy?

“The first few days, di ko talaga siya kinakausap. Kaya siya natakot, akala niya ayaw ko sa kanya. Then when we were doing our love scene, nakaramdam ako ng ibang klaseng hinga niya, parang hihimatayin,” ang say ni Zoren. “Pareho kaming very awkward, but Direk Laurice helped us para ma-relax kami sa isa’t isa”