SESYON SA SENADO DINAGDAGAN

IGINIIT  ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na magsasagawa ng sesyon ang Senado tuwing Huwebes upang harapin ang mga lokal na panukalang batas mula sa House of Representatives.

Sinabi ni Tolentino na gaganapin ang session mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon.

“Huwebes magse-sesyon, umaga—10 [am] to 1 [pm],” ayon kay Tolentino.

“Kasi napakaraming tambak na local bills ‘yung mga protection of mga environmental zone…changing the name of a college, street, etc. Ide-devote ng Senado ‘yung Thursday to tackle local bills coming from the House of Representatives,” dagdag pa niya.

Samantala, ilalaan ang sesyon ng Lunes hanggang Miyerkoles para sa mga national bills.
LIZA SORIANO