PINAHABA ng Senado ang oras ng kanilang mga sesyon simula kahapon, araw ng Martes para pag-usapan ang panukalang national budget.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, sisimulan nila ang sesyon ng alas-10:00 ng umaga at walang itinakdang oras ng pagtatapos.
Sinabi ni Sotto na magkakaroon na rin ng sesyon tuwing Biyernes na dati ay walang pasok.
Gayunman, aminado si Sotto na kahit pahabain nila ang kanilang sesyon, malabo pa rin nilang maihabol ang pagpasa ng panukalang budget para sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa kabiguan ng Mababang Kapulungan na ipasa sa kanila ang kanilang bersiyon ng panu-kalang budget. LEN AGUIRRE–DWIZ882
Comments are closed.