Bihira ako magbigay ng ulo ng aking kolum sa Ingles. Subali’t tila ito ang akmang pamagat sa aking paksa sa kolum ko ngayon. ‘Set the record straight’ ay madalas sabihin upang ma-ipaliwanag na mabuti ang tunay na pangyayari sa likod ng mga mali-maling pananawa sa isang paksa o bagay.
Kamakailan, ay nabasa ko ang isang kolum mula sa isang malaking pahayagan na tila masyadong kritikal sa Meralco. Pinapalabas niya na mapagsamantala ang Meralco sa kanilang customers dulot sa patong-patong na utang ng bayarin sa koryente simula nang tamaan tayo ng pandemya noong Marso ng nakaraang taon.
Mga bossing, halos isang taon na ang nakalipas sa mga hindi pa nagkapagbabayad ng koryente. GCQ na po. Ang ating pamahalaan ay pilit na gumagawa ng paraan upang makabalik na tayo sa normal na pamumuhay bagama’t nandiyan pa ang banta at panganib ng Covid-19. Bagsak ang negosyo. Bagsak ang ekonomiya. Puwes ang ang gagawin natin? Magmumukmok? Iiyak? Aangal? Aba’y lumaban tayo! Gawin natin ang lahat upang makabangon tayo sa kahirapan. Hindi lahat libre. Ang tulong ay hindi magiging ganap at matagumpay kapag hindi mo rin tutulungan ang sarili mo.
Salungat sa mga batikos nitong kolumnistang ito, isinangalang-alang ng Meralco ang pag-unawa ng idinulot ng pandemiya at patuloy na tumutulong sa mga customer sa lahat ng problema sa pagbabayad.
Ang Meralco ay patuloy na pinalawak at ipinakita ang pagtulong sa kanilang mga kustomer batay sa kanilang kakayanan magbabayad. Ang kanilang pangunahing layunin sa panahon ng pandemya ay panatilihin ang mga ilaw kanilang mga customer at hindi para putulan sila ng koryente. Sa katunayan, tumalima ang Meralco sa direksyon ng pamahalaan at ng DoE na walang notipikasyon sa kanilang mga customer mula sa 100 kWH pababa, bilang karagdagang biyaya hanggang sa katapusan ng Marso.
Ang lifeline group na ito ay binubuo ng 40 % ng pamamahagi ng customer-base. Ngunit, para sa mga kumukonsumo ng nasa 101 kWH at pataas, ang Meralco ay patuloy na nagpapakita pagsasaalang-alang at makakatulong sa kanilang mga customer. Case-to-case ang batayan upang mahanap ang pinaka-maginhawang pamamaraan ng pagbayad para sa kanila, depende sa kanilang sitwasyon.
Walang tigil at patuloy ang komunikasyon sa mensaheng ito ng Meralco. Tulong. Unawa. Malasakit sa kanilang customers. Ang mahirap lang ay kapag sarado ang kaisipan ng iba tulad ng sinasabi kong kolumnista.
Comments are closed.