IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Setyembre 3, 2024 bilang national day of mourning dahil sa pagpanaw ng Manlilikha ng Bayan na si Federico Caballero.
Ang deklarasyon ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 678 na nilagdaaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Tubong Panay Bukidnon sa Calinog, Iloilo, si Caballero ay idineklara bilang Manlilikha ng Bayan noong 2000 bilang pagkilala sa kaniyang pagpupursiging pangalagaan at palaganapin ang tradisyong Sugidanon ng kaniyang komunidad.
Pumanaw ito noong Agosto 17 sa edad na 88.
MA. LUISA M GARCIA