SETYEMBRE 3, PAGGUNITA SA PAGSUKO NI GENERAL YAMASHITA

GENERAL YAMASHITA

IDINEKLARA  ni Pangulong  Rodrigo Duterte  ang Setyembre  3  na  special working public holiday sa buong bansa  kaugnay sa paggunita sa pagsuko ni  Japanese military forces  na pinamumunuan ni Army General Tomoyuki Yama­shita sa pagtatapos ng  World War II.

Ang Republic Act 11216,  ay isa sa 20 panukalang nilagdaan ng Pangulo at isinapubliko ngayon.

Si Yamashita  ay sumuko sa  American High Commissioner’s Residence sa Camp John Hay noong  1945.

Ang Republic Act No. 11120  naman ay  nagdedek­lara na ang Setyembre  2  ay  non-working holiday sa lalawigan ng  Ifugao  bilang paggunita  sa  inisiyal na pagsuko ni Yamashita sa  tropang  Filipino at tropang Amerikano sa bayan ng Kiangan.

Si General Yamashita ay binitay  sa Los Baños matapos hatulan ng American military tribunal.

Comments are closed.