AARANGKADA ngayong araw o bukas ng ala-6 ng umaga ang muling paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.
Ala-12 ng hatinggabi ay inaasahang 10 centavos kada litro ang matatapyas sa diesel, ganoon din sa kerosene habang nasa singko hanggang diyes sentimos sa gasolina.
Karaniwang nagaganap ang pagpalit ng presyo ng petrolyo tuwing Lunes ng hatinggabi at ala-6 ng umaga ng Martes.
Ang rollback ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Samantala, ang liquefied petroleum gas (LPG) naman, may namumuro ring maliit na rollback na maglalaro lang sa P0.50 kada kilo o P5.50 kada tangke.
Paliwanag ng mga taga-industriya, matumal ang bentahan ng petrolyo nitong linggo, kasunod pa ang pagkakaroon ng trade war sa pagitan ng Amerika at China.
Isa rin sa dahilan ang malaking imbentaryo ng langis ng US. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.