BUMISITA si Pope Francis sa mga sinasabing biktima ng child sex abuse ng mga pari at obispo sa Ireland.
Kauna-unahan itong pagbisita ng Santo Papa sa Irish Republic sa loob ng 39 na taon at inabot ng 90 minuto ang pakikipag-usap nito sa Irish survi-vors.
Sinabi ng Santo Papa na nahihiya siya sa kabiguan ng Simbahang Katolika na mapigilan ang mga ganitong uri ng ‘repellent crimes’.
Tiniyak niya ang ‘greater commitment’ para iwaksi ang mga ganitong abuso.
Comments are closed.