SEX VIDEO NG 2 PINOY STUDES NA-UPLOAD SA CANADIAN PORNHUB

scandal

CAGAYAN DE ORO – PINATANGGAL ng Philippine National Police sa Canadian pornography streaming websites na Pornhub ang self made sex video  ng dalawang senior high school students mula sa private schools sa lalawigang ito.

Sa ulat ng PNP Headquarters sa Quezon City, nakipag-ugnayan ang PNP Anti-Cybercrime Group-10 na nakabase sa  Northern Mindanao sa Pornhub para alisin ang video sex scandal ng dalawa.

Ayon kay P/Staff Sgt. Ritchel Tesoro, ACG 10 investigators, agad silang nakipag-ugnayan sa nasabing Canadian website matapos na dumulog sa kanilang tanggapan ang ama ng 17-anyos na senior high school student na nasa sex video.

Agad din inalis ng Pornhub, isang  pornography streaming websites, sa kanilang server ang nasabing video sex scandal.

Nabatid sa pagdulog sa pulisya na lumapit din ang ama ng isa sa nasa sex video sa National Bureau of Investigation (NBI) para maghain ng reklamo laban sa 16 anyos na ex-boyfiend ng anak dahil sa pagkuha at pagpapakalat ng malaswang video.

Posibleng maharap ang dating boyfriend sa paglabag sa video voyeurism at violations of anti-child pornography law and laws on violence against women.

Nagbabala rin ang PNP sa mga taong nag-iingat ng nasabing video, dahil maari rin silang maharap sa kaukulang kaso dahil sa pagtatago, pag-shared, o maging instrumento para sa distribution ng videos.

Nagpaskil ang PNP-ACG 10 sa social media na nagsasaad na: public warning against spreading the pornographic videos or they would be liable under the law.

Nakasaad sa Section 4 ng the Anti-Child Pornography Act (RA 9775), na labag sa batas ang pag-“publish offer, transmit, sell, distribute, broadcast, advertise, promote, export or import any form of child por-nography” o ang pag-iingat nito. VERLIN RUIZ