Matagal nang patakaran sa showbiz, ilang artistang naging leading man at sumikat na dumaan muna sa bading, ani Direk Joel Lamangan.
Nang usisain tungkol sa sexual abuse o pangmomolestiya sa showbiz.
Yun umanong reklamong sexual abuse o molestation nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, at unnamed male talent-news researcher, normal na umano itong kalakaran sa showbiz kahit noong 70s pa.
“Hindi lang nabubulgar dahil walang nagrereklamo, pero nangyayari talaga,” aniya. “Daming sumikat noon na dumaan muna sa bading bago nakilala,” dagdag pa ni Lamangan.
“Andami, neng! Hindi lang nabulgar dahil walang nagrereklamo. Ngayon lang nabulgar. Dati kasi, secret lang, nakakahiya kasi. Hindi naman kasi bago yan.”
Mababait daw naman ang dalawang independent contractor ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Dode Cruz. Hindi raw mga balahura ang mga ito. Kaya nagdadalawang isip siya sa sitwasyon.
“Bale kasi yung sexual harassment na yan, stepping stone kasi ng iba para makilala. Gusto mong makilala, gusto mong magka-project, papatol ka, wala kang choice.”
Alam kong hindi gusto nina Sandro ang nangyari,” aniya. “Lalabas din naman ang totoo.”