MULA sa dating 12 taon pababa ay itinaas na sa edad -16 pababa ang saklaw ng mga biktima ng statutory rape.
Ito ay kasunod ng pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act 116481 na magpapalakas sa Anti- Rape Law at sa inamyendahang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Nakasaad sa Section 5 ng RA 11648, sinumang mapatutunayan na nakagawa ng pang-aabuso o anumang sexual act o exploitation sa 16-anyos pababa ay maaring mapatawan ng kaukulang kaso.
Matatandaan na buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon nang ratipikahan ng mga mambabatas ang Bicameral Conference Committee report ukol dito.
Samantala, isa umano itong hakbang upang maging global standard ang statutory rape age sa Pilipinas. JP