SEXUAL MATURITY

SABONG NGAYON

ANG MGA cockerel o tatyaw sa edad 4-5 months ay nangangasta na pero ito rin ‘yung critical age na sila ay nagde-develop ng built ng kanilang katawan at hanggang 6 months ay mina-maximize ang kanilang pagtangkad.

Ayon po kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, pagdating ng 7 months ang edad, tigil ang ating mga stag sa pagtangkad at lahat ng kinakain nila ay napupunta na lamang sa kanilang pa­ngangatawan para bukang-buka ang buong katawan na malambot ang hipo.

“Ang ideal age para sa akin na siya ay gami­ting broodstag o ganador ay 8-9 months para solid na ang kanyang panga­ngatawan at nakikita mo na ang kanyang full potential sa sparring,” sabi ni Doc Marvin.

Aniya, ang isang stag na panlaban kung quality ang linyada ay nasa kalakasan o peak ang kanyang abilidad sa pakikipaglaban sa edad na 9-10 months, kabilisan at sariwang-sariwa siya sa ganong edad.

Mahalaga rin umano na nililinis natin ang sinapupunan ng ating mga inahin o pullets bago sila isalang sa breeding dahil ang ilan sa kanila ay maaaring nakastahan ng mga stag natin habang nasa range pa sila at ang ilan sa kanila ay ginawang ‘pokpok’ sa mga stag na naka-hardening.

“Dapat ay hulihin na para ikondisyon at linisin ang kanyang reproductive system kasi from range area ay sigurado po na nakastahan ‘yan ng mga kasamang stag kasi basta nangingitlog na sigurado nagpapakasta na ‘yan,” ani Doc Marvin.

“Para linisin ang semilya na pumasok sa kanilang katawan ay 17 days para totally mawala,” dagdag pa niya.

Sinabi pa niya na ang ideal age para sila ay isalang sa breeding ay 9-10 months old, hindi basta nangingitlog ay salang ka na agad nang salang kasi mawawasak lamang sila na magiging dahilan para hindi maging quality ang anak.

Bilang breeder, dapat din, aniya, na may nakareserba tayong mga breeding material kasi anytime ay puwedeng mawala ang original proven materials natin.

“Sa pagmamanok, hindi naman puwede ang walang disgrasya kahit pa anong ingat mo sa kanila kaya ang puwede lang natin gawin ay iwas-disgras­ya!” ani Doc Marvin.

Sa pagpili ng gaga­wing broodstag pagkatapos tingnan ang kanilang panlabas na anyo na nakikita ng ating mga mata phenotype ay ang importante ay ‘yung first sparring o unang bitaw kasi para sa akin, kung tala­gang quality at magaling siya ay roon pa lamang ay alam mo na kung siya ay may patutunguhan o kakayahan,” dagdag pa niya.

Comments are closed.