SUPER higpit pala at seloso ng boyfriend ng isang sexy female star form a top TV network. Isang kilalang politician at hiwalay sa kanyang misis ang boyfriend ni sexy female star (SFS).
MInsan nang na-blind item si politician sa isang radio program na nahuli ng kanyang misis na kasama sa condo ang sexy female star. Madaling hulaan ang name ng politician dahil sa mga clue na binigay ng mga radio host.
Sa isang commercial shoot with a male celebrity, may mahigpit na bilin pala si politician sa staff na ‘di puwedeng hawakan ni male celebrity si SFS. Kaya lang, importante sa shoot na merong physical touch sa katawan si SFS at male celebrity.
Naloka raw ang mga staff dahil nagpull-out daw si SFS at ‘di na itinuloy ang commercial shoot.
Hindi naman daw umalma sa SFS at masunurin sa kanyang politician na boyfriend.
Bakit nga naman daw ‘di magiging masunurin si SFS gayung give sa kanya ng condo unit at magarbong van si politician?
Promising si SFS kaya interesado ang TV network na i-launch siya bilang lead female star sa mga teleserye. Kaya lang baka ma-turn-off ang executives ng network kapag nalaman nila na “nangingialam” si politician sa career ni SFS.
E, kung kami naman si boyfriend na politician, “ikulong” na lang kaya niiya sa condo si SFS para sure siya na walang ibang puwedeng humipo sa dyowa niya, ‘di ba?
(IGARAHE NA LANG NIYA AT IBIGAY ANG DAPAT KITAIN SA PAG-AARTISTA—ED)
PINOY-KOREAN TRAINED GROUP SB19 HUMAHATAW
GOING places na ang all-male Pinoy Korean-trained group, ang SB19. Kung saan-saan na namin sila napanonood. Almost every day ay napanonood namin sila sa social media account ng MRT na ‘Tube.’
Naging visible din sila on TV and radio. Kaya ‘di katakataka nu’ng inilabas na sa ere ang “Alab,” agad itong nag-top sa music chart at makakakuha ng 500,000 views sa YouTube ang kanilang music video sa loob lamang ng 24 oras.
Left and right na rin ang award na natatanggap nila. At ang pinaka-latest ang ang Breakthrough award mula sa Wish FM radio station.
Ang SB19 ay binubuo nina Sejun, Stell, Justin, Ken, and Josh na pawang mga Pinoy. Pero mga Koreano ang nag-train at nagha-handle ng kanilang career. Kaya naman ang hitsura nila ay may pagka-K-pop.
Ang kanilang mga manager ay sina Charles Kim at Robin Geong, na mas nais na tawagin siya bilang si Tatang Robin.
Masayang ibinalita ni Tatang Robin, CEO ng ShowBT Philippines, ang tinamong tagumpay ng grupo after ma-ilaunch sila sa Pinas last year.
Isa sa mga magagandang balkita ni Tatang Robin during the media launch ng “Alab” ay ‘yung naka-level ng SBI9 si Mariah Carey dahil sa pagiging top favorite ng kanilang kanta sa isang music chart.
Ayon pa kay Tatang Robin, may plano raw sila na makipag-collaborate ang SB19 with other Pinoy and K-Pop artists. Kabilang na si Sarah Geronimo, Gary Valenciano, Vice Ganda, ang K-Pop group na Seventeen at iba pa.
In fact, may kinakausap na raw si Tatang Robin and his group sa isang famous K-Pop group para makipag-collaborate sa isang project with SB19.
Ang “Alab” ay ang SB19’s first official single under Sony Music Philippines.
Pinarangalan naman ang grupo bilang Favorite Group of the Year award mula sa isang entertainement website last November, 2019.
“This is just the beginning. We’re making history and P-pop. Together, we will make history. We will never give up. We’re gonna go up,” sabi pa ni Tatang Robin.
Samantala, ikinagulat naman ng members ng SB19 ang balitang may mga ilalabas na malalaki nilang billboards sa EDSA at sa iba pa’ng mga lugar.
“Isa rin po ‘yun sa nagugulat kami na projects nila sa amin. Dahil hindi po namin inaasahan ‘yun, sa totoo lang po,” lahad ni Josh.
Open din ang SB19 sa possibilities na makapag-perform sa ibang bansa like sa South Korea at sa US.
Comments are closed.