SHABU ITINAGO SA OVEN TOASTER NAAMOY NG ASO

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Custom at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 614 gramo ng shabu na itinago sa bread toaster nang maamoy ng aso mula sa PDEA K-9 unit.

Tinatayang mayroong street value na P4.237 milyon ang naturang ilegal na droga na itinago sa loob ng dalawang stainless steel oven toaster.

Bago ito, na-tag na kahina-hinala ang naturang shipment matapos itong isalang sa x-ray inspection project ng mga tauhan ng ahensiya.

Kaya agad itong isinailalim sa K9 sniffing ng PDEA K9 Unit at dito nga nakumpirma na mayroong prsensiya ng ipinagbabawal na droga sa loob ng bagahe.

Nagsagawa rin ng physical examination ang ilang tauhan ng BOC kasama ang ilang kawani ng Media, barangay officials at kinatawan mula sa Customs Anti-Illegal Drugs Task Force , Enforcement and Security Service, Customs Intelligence and Investigation Service, X-ray Inspection Project personnel , at PDEA .

Dinala ang mga nakuhang samples sa PDEA para sa isasagawang laboratory analysis ang natuklasang shabu. VERLIN RUIZ RUIZ