(Shabu Itinago sa tsokolate at tsinelas) NASABAT SA NAIA

shabu

NAKUMPISKA ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tulong ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADTG) ang inabandonang 640 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu.

Ang nasabing mga kargamento ay pinabayaan ng may ari sa DHL warehouse,  at itinago ito sa loob ng lata ng  wafer, naka- pack na tsokolate, stuffed toys, candies at tsinelas.

Ayon sa report ng BOC,  galing sa Las Vegas, Nevada ang shabu  na may estimated street value na aabot sa P4.5 milyon, at naka-consigne sa isang residente ng Hagonoy, Bulacan. FROILAN MORALLOS

Comments are closed.