SHABU ITINAYA SA SUGAL, 4 ARESTADO

SHABU

CALOOCAN CITY – NASAKOTE ang apat na hinihinalang drug user ng mga pulis na nagsusugal habang ang taya umano ay shabu sa lungsod na ito kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengie Deimos ang mga naaresto na sina Jaime Torres, 50, Marcelino Baligwag, Dominador Esmillo, at Joemar Carmona.

Sa imbestigasyon ni PO1 Marius Andrew Mendoza, dakong alas-7:30 ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP)-2 ang sumbong ng isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling sa kahabaan ng Magtanggol St., Brgy. 29.

Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz na na­ging dahilan upang arestuhin ang mga ito at narekober ang tatlong piso na gamit bilang Pangara at 5 piraso ng P20 bill.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihina­lang shabu.         EVELYN GARCIA

One thought on “SHABU ITINAYA SA SUGAL, 4 ARESTADO”

Comments are closed.