Shahab Shabibi , Iranian na may pusong Pinoy

SI  Shahab Shabibi, 21, ay co-founder ng Machine Ventures. Kung tutuusin, hindi Filipino si Shahab kundi isang Iranian, pero may puso siyang Filipino. Siya ang co-founder ng Machine Ventures, isang Philippines-based incubator na nagbibigay ng financial support at management guidance sa mga nagnanais na maging negosyante sa bansa.

Sinuportahan ng Machine Ventures ang HeyKuya, isangh text-based personal assistant system na may mahigit 35,000 users.

Bilang CEO, ipinagmamalaki niya ang kakayahan ng Machine Ventures na “Transforming Ideas into Companies”. Sa ilalim ng Machine, sinimulan muna niya ang mykuya, isang super app for hiring services on-demand na may misyong makagawa ng isang milyong job opportunities. Inimbento rin niya ang HeyKuya, 9sang SMS-Based Personal Assistant Service na anim na buwan pa lamang ay sikat na sikat na, at itinuturing na fastest technology acquisition event sa buong bansa.

Bago yan, kasama na siya sa mga founding team ng tatlong kumpanya. Matapos simulant ang kanyang first venture sa music distribution noong 13 years od pa lamang siya, lumipat siya sa sports media nang maging miyembro siya ng team na nagsimula ng Tarafdari, pangunahing sports social media network ng Iran na may 5 million monthly visitors. Nang makapagtapos ng Business Administration, sumama siya sa Rocket Internet at naglunsad ng carpooling platform, ang Tripda sa Pilipinas. Napili siyang isa sa pinaka influential na entrepreneur sa Asia na wala pang 30 years old ng Forbes magazine. Naging bahagi rin siya ng Global Shapers Community, ng World Economic Forum.RCLNB